These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      "KALYE" written by: Ms. Freddie Anne Atienza

     


A Mother's Love for his child....

Sa tuwing bumubuhos ang ulan, palagi kong hawak ang iyong kamay. Kasama mo akong naglalaro sa putik at naliligo sa ulan. Kapag nadarapa binabangon kita at ginagamot ang iyong sugat. Kapag umiiyak, isang halik ko lang, ngumingiti ka na. Kapag lalong bumubuhos ang ulan at tumataas ang tubig, sinasakay kita sa aking likuran. Hanggang sa sumapit ang dilim, kasama mo ako at hawak ang iyong kamay.

Nagliwanag na ang langit, humupa na ang tubig.. pinasyal kita sa isang lugar na punung puno ng letra upang ituro sayo kung paano ang magbasa. Sinalubong ko si ate... upang humingi ng kapirasong papel at isang lapis. Ngayon anak.. malalaman mo na rin ang tamang pagsulat

Sa paglipas ng araw.. tuluyan n ngang natuyo ang lupa. Nagbago na din ang lahat. Kung noon, sa gabi'y lagi kang kasama... ngayon.... tila ba lagi kang wala. Hindi na ako ang lagi mong nilalapitan kapag ika'y nasasaktan. Hiniling ko na sana... muling bumuhos ang ulan, at muling mabasa ang lupa. Hinanap kita. Naglakad lakad ako hanggang sa ika'y aking matangpuan. Nakaupo ka sa ilalim ng isang puno... na pulang pula ang mga mata. Hawak ang isang bagay.. na noo'y hindi ko maaninag. Naawa ako dahil wari ko ika'y umiiyak. Nilapitan kita at ikay aking niyakap.

Sa mga oras na iyon, nagdilim na ang paligid. Hindi man umuulan ngunit naramdaman ko na muling nabasa ang lupa. Pilit kong inabot ang iyong kamay... ngunit ika'y lumayo. Noo'y wala na akong nakikita... kundi ang aking kaluluwa na lugmok sa kulay pulang putik. Bago pa man..... nasambit ko ang mga huling salita na tanging puno lang ang nakakarinig.

"Anak.... alam ko...................... hindi ikaw ang pumatay sa akin". (Alak at droga)

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com