These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      His life became miserable because of me.

     


My optional name is Kashiya. I'll share this story in tagalog.



Nagtitraining ako sa isang branch ng school namin, isa siya sa members ng banda. Pagkatapos ng practice nagtipon kami sa school canteen para kumain ng snacks, andun siya at gusto niya akong makilala so ipinakilala ako ng majorette leader namin, nginitian ko siya, yun lang pero hindi naman talaga ako ganun pag may ipinapakilala, ako yung tipong tao na laging energetic, pero nung time na yun parang deadma lang sa akin kasi iniisip ko nun na ayaw ko talaga magka-boyfriend. Kinuha niya yung cellphone number ko sa majorette leader namin so after nun tinext niya ako. Ang bait bait niya pala sobra, nakakainlove kasi very sweet talaga, yung care as in andiyan.



Yun we texted each other everyday, umamin siya sa akin na he is falling inlove with me then inamin niya din na nung una daw naattract na siya but I keep on denying his feelings for me kasi ayoko mainlove and ayoko ng masaktan. At first hindi ko siya love, kahit umamin na siya pero sinagot ko siya bigla then as time goes by nafall din ako kasi he texted me everyday, pag wala siyang load nakikitext talaga or he sent me message or post on my facebook account. He's doing so much effort, that's why I fell inlove with him. I see his real efforts, love and care even his loyalty to me. He's perfect in every way of his personality kasi he's loving, caring, loyal, doing the efforts just to prove his love to me, very responsible and most of all very honest.





One time during the month of May 2011 I always went to Manila for modeling and endorsing the product of Clear Shampoo, nung pauwi na ako galing Manila nasa van panay tawag niya sa akin and panay yung text niya pero sabi ko wag muna siya tumawag kasi nasa biyahe ako at pati siya nasa biyahe din so sabi ko tawag na lang siya pag nakauwi niya. I got irritated kasi super kulit, so I turned off my phone then 1 hour ago dami ko ng messages from him tapos nung ako na yung nagcontact sakanya unattended na yung phone. After few days sa training, yung majorette leader namin told me na nasa hospital siya because of motor accident kaya yun I was shocked and don't know what to do. Yung guilty and galit sa sarili ko nangibabaw, alam ko kung hindi ko inoff yung cellphone ko hindi sana siya naaksidente kasi hindi siya naparanoid.



Binisita ko siya sa hospital with guilty feelings, I spoke and say sorry to him whole-heartedly. Sabi niya wag daw ako magsorry, di ko daw yun kasalanan. Ang importante daw is ok siya, medyo naapektuhan yung brain niya so hindi ako matandaan ng masyado. Habang nakaupo ako at siya ay nakahiga pinatugtog niya yung favorite song ko na Iris by Goo Goo Dolls and he said that he really love me. The tears in my eyes fell, natouch ako. After 1 month nakarecover na siya pero yung guilty ay hindi pa din maalis sa akin, inoperahan siya at pinalitan ng stainless yung bone niya sa upper right leg niya. Dahil sa akin nasira yung future niya.



Madami akong pinag-isipan after nung nangyari sa kanya, piang-isipan ko ng mabuti ang lahat lahat. Then 1 day I came to realize na my love for him suddenly gone so one night I confessed and told him the truth. I broke up with him kasi mas lalo akong naaawa kapag nag-eeffort pa din siya kahit nagrerecover siya. Nung brineak ko siya, tumawag siya at madami ang tanong kung bakit ko daw siya brineak. Umiiyak siya ng sobra, sabi ko kailangan ko talaga kasi hindi na kita mahal gaya ng dati at saka ayokong lagi kana lang nagbubuhos ng oras sa akin na hindi ko kayang ibalik.



Lahat ginawa niya para magkabalikan kami pero hinding hindi ko na siya binalikandahil ayoko na siyan masaktan, tatlong buwan kami lumayo sa isa't isa at after ng tatlong buwan may nakilala ako at siya ang naging sunod na boyfriend ko.

Nang malaman ng ex ko, mas lalo siyang nasaktan.

Pero pinagusapan naman namin ang lahat para maging maayos sa isa't isa ang lahat at napag-usapan din namin yun.

Almost 1 year siyang walang girlfriend at ngayon meron na, nagbreak din kami nung boyfriend ko dati after sa ex ko at ngayon nagkabalikan ulit.



Nasaktan ko ang ex boyfriend ko pero lahat nga bagay dinaan namin sa mabuting usapan kaya naging ok ang lahat after break-up and bitterness.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com