These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Hindi talaga kami para sa isa't isa :)

     


Magkaibigan lang kami nung una. Nasa iisang barkada lang kami. Napapansin ko na sya noon pa man, pero sya yung tipo ng taong hindi naglalakas ng loob kausapin ako. (at bakit naman nya ko kakausapin diba?) Siguro dahil na din mas close ako sa iba pang barkada. May nagkakagusto din sa akin nun nung mga panahong yun, kaya siguro wala kaming chance magkaroon ng pagkakataong magkamustahan, magkwentuhan.



Hanggang sa nagmessage sya sakin, umamin sya na gustong gusto daw nya ako pero iyun nga, wala syang lakas ng loob para gumawa ng paraan at dahil na din sa may nagkakagusto sa akin sa barkada namin, close pa naman nya yun. Wala kasi daw talo talo. Pero may something sa kanya na nagustuhan ko, dahil na din siguro sa ganon nyang ugali. Hehe. Hanggang sa nagkakamessage-an na kami, hanggang sa nagpalitan ng numbers. Text maya't maya. Wala lang naman sakin yun, okay lang kung san tutungo.



Nagsimula sa Ate't Kuya na tawagan. Ganon lang daw talaga sya sa lahat ng kaibigan nyng babae. (Kfyn.)Nagkakausap na din kami ng personal at nasasabi na din nya unti unti sa lahat na gusto nya ako. Eto naman ako, nahuhulog ng unti unti sa kanya. Hindi maiiwasan, napakabait nyang tao. Matangkad, maputi, maganda naman ang pangangatawan, nasa kanya na ata lahat ng nanaisin ko.



Hanggang sa naging kami na nga, pakiramdam ko'y sya na ang para sa akin at ganon din ako sa kanya. Hindi sya nag-aaral nung mga panahong yun, kilala na ko ng mga magulang nya, at sabi ko sa kanya, kelangan na muna nyang mag-aral ulit bago ko sya mapakilala sa amin. Sinunod naman nya ako, hindi lang naman para samin yun, para na din sa kanya.



Nang nakatapos ako ng kolehiyo, nag-aaral pa din sya. Kinailangan ko na ding magtrabaho, at sya'y nagpapatuloy pa din sa pag-aaral. May takot sa aming dalawa dahil nasanay kaming magkasama lang lagi, araw-araw. Sinigurado ko namang walang magbabago, kaya't kapag off ko, natutulog ako sa kanila. Okay lang yun. 2years na din naman kami.



Pero unti unting nagbago, hindi pa natagal ay unti unti na din ata syang nawawala sa akin. Isang araw, nakita ko sa cellphone nya na may message galing sa isang babae, "hon..where ka na?i love you.." Pagkatapos kong mabasa iyon, para akong sinakluban ng buong mundo, parang may kung anumang mabigat sa puso ko, napaluha ako. Hinarap ko sya at tinanong tungkol doon. N"Naglalaro lang naman ako..tatapusin ko din yan.." Yan lang ang nasabi nya sa akin. Pero alam ko naman na wala nang patutunguhan ito.



Hindi lang kami talaga para isat isa. Alam ko na yun ngayon. Masakit tanggapin, pero kelangan. Pagkatapos noon, ilang bwan ang nakalipas, nagkita kami, wala na daw sila nung girl. Nakipagkita ako baka sakaling may maramdaman pa ako sa kanya, pero wala na pala. Puro sakit at galit lang ang naramdaman ko. Wala na kong magagawa, salamat na din sa Panginoon, at niligtas nya ako sa ganoong tao. Hindi sya karapatdapat para sa akin. :)

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com