These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Na-inlove kay seatmate.

     








Wala naman talaga akong gusto sa kanya. Hindi ko rin alam na mafa-fall ako sa kanya sobrang bait nya kasi gentleman pa. Pero hindi lang sakin pati na rin sa iba.





Yung una naging close kami sobra kasi seatmate ko sya. Nalaman ko may crush sya sa isa naming klasmeiyt na matalino. So ayun inaasar ko sya palagi, wala pa talaga akong nararamdamang iba nung mga panahong yun. Then nung tumagal parang may nagbabago na sakin lagi ko na lang nasasabi yung pangalan niya, lagi ko na lang siyang hinahanap tinitignan kung anong ginagawa. Pumunta na din sya sa bahay namin nung birthday ko pero madami kami 4 yung lalaki tapos yung babae mga kaibigan ko. Nung November hindi ko alam pero pagka-inaasar sya dun sa crush nyang girl, parang ayaw kong marinig. Hindi ko na rin sya inaasar sa crush nya. Nung December naman may event sa school namin kaya hindi na kami magkatabi pero babalik din yun sa dati next year. Nag-start na talaga akong ma-inlove sa kanya, halos araw araw namimiss ko sya.



Hindi talaga ako yung tipo nung girl na nagsasabi ng crush kahit sa kaibigan ko pa basta hndi pa malala. Pero naisip ko dumating na yung time na dapat ko ng sabihin sa kanila para matulungan din nila ko. Nung christmas party namin may binigay akong gift sa kanya pero hindi nya alam na sa akin galing may letter yun printed.



Tapos nung January pasukan hindi nya pa rin alam kung kanino galing yung gift kasi sabi nya sakin "hindi mo ko niregaluhan". Pero nung mga tumagal na parang alam nya na sakin galing yung gift at may gusto ako sa kanya. Nag-start ko na syang iwasan kasi nahihiya ako, tapos nun hindi na kami ganun ka-close ulit. Pero Month of january din nag-camping kami sa bundok hiwalay ang place ng girls sa boys pero hindi masyadong malayo. May distance lang. Nung last night namin dun sa bundok may sayawan yung sweet dance, Hindi ko na ine-expect na isasayaw nya ko, kaya inaliw ko na lang yung sarili ko nakipaglaro ako ng jack en poy sa kaibigan ko. Ka-team namin yung girl na ayaw ko sa kanya kasi hindi compatible yung ugali ko sa ugali nya. Malapit sa akin nakaupo yung girl sinayaw nya yun sa unahan ko pa. Tapos sinayaw nya ako di ko rin expect yun kinakabahan ako nung kasayaw ko sya. Tapos may bagay na tinanong sya sa akin na hindi ko ma-gets. Sabi nya "Masaya?" "huh? Anong masaya? Yung camping? Ou naman masaya?" sya: "anong part yung pinaka-masya?" hindi ko na alam yung sasabihin ko OMG "Yung ______test yung masaya kasi hindi ako natakot." tapos hindi na sya nagsalita pati ako hanggang matapos yung kanta.



Guys pa-help po hindi ko po alam kung anong gagawin ko pinipigilan ko na nga yung nararamdaman ko sa kanya pero parang ayaw ng tadhana. Ayoko ko ng umasa kasi mas lalo lang masakit.



Di ba po Unrequited love or One sided love ang tawag dito. Pa-help po ah.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com