These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Know what is LOVE

     


highschool palang ako ay crush kona si Harold. hearthrob sya sa school namin. sa dami ng nggagandahang babae sa school namin ni minsan di nya ako napansin. isinusulat ko nalang sa notebook ang feelings ko. isang araw, nawala nalang bigla ang notebook ko. saan ko man hanapin ay di ko makita. kinabukasan, ginawa akong katatawanan ng mga schoolmate ko, nabasa nila ang notebook ko. pati si Harold ay nabasa to. di ko sya nakitang tumawa pero nakita ko syang niinis. sa tuwing masasalubong ko sya parang iniiwasan nya akong tingnan na para bang hindi ako nag eexist. simula noon ay pinigilan kona ang damdamin ko para sa kanya.

5yrs later. nagkabungguan kami sa daan. kung gano sya kagwapo noon, mas lalo na ngayon, ngunit pinigil ko ang sarili ko at nagpanggap na di sya nakilala. nang aktong aalis na ako ay bigla nyang sinambit ang pangalan ko.

"cindy?"

hindi ako makapaniwala na naaalala pa nya ako. pero hindi ako nagpadala.

sa mga sumunod na araw lage kona lang syang nakikita sa mga lugar na pinupuntahan ko. hindi ko alam kong aksidente ba o ano.

pinapansin din nya ako at kinukumusta pag nagkakasalubong kami sa daan. katagalan niyayaya nya na akong kumain sa labas at tnatawagan. kalaunan ay nanligaw sya sakin na mas lalong nagpalito sa isip at puso ko. pakiramdam ko ay baka pinaglalaroan lang ako nito. pero naisip ko din na sagutin sya, ito na siguro ang pagkakataon ko na makaganti.

nang maging kami na ay pinaramdam ko sa kanya na mahal na mahal ko sya at naramdaman ko rin yon sa kanya. ngunit dahil sa mga bagay bagay, hiniwalayan ko sya. natakot kasi akong malaman na pinaglalaroan lang nya ako kayat inunahan ko sya. pero nagkamali ako ng akala. sinabi sakin ng kaibigan nya ang tunay nitong damdamin para sakin. tunay nya pala akong mahal. highschool palang kami ng mabasa nya ang notebook ko at malaman ang damdmin ko pra sa kanya ay unti unti din syang ngkagusto sakin. naghintay lang sya ng sapat na pagkakataon.

nagkabalikan kami ulit at ngkatuluyan. 5 taon na kaming kasal at may dalawng anak.=D

masaya ako at sya ang naging asawa..

-CLAIRE A.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com