These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      My First Love

     


Love Story Ko Noon



Seven years ago, may nakilala akong guy through close friends. From then on, attracted na ako sa kanya. Kasi nga, gwapo, maputi at mukha naming mabait kahit parang chikboy (hehe).

Halloween party sa lugar namin nun, invited sya kasama ng mga friends namin. He asked me to dance…a sweet dance. Kinilig ako nung narinig ko mula sa kanya na gusto nya akong ligawan. Mula nun, madalas na kaming magkita, magkatext at magkausap. Sinusundo nya pa ako sa school gamit ang sasakyan nya. Madalas din kaming magkausap sa tapat ng bahay naming ksama ang friends…playing guitar, kantahan, kwentuhan, foodtrip, tawanan at kulitan, Madalas nga, madaling araw na sila nakakauwi. Tapos isang gabi, habang nakaupo kami sa tapat ng bahay namin,

“Wala ka bang itatanong man lang?” wala kasi kaming mapag-usapan kaya natanong ko yun. Ang sagot nya sakin, “I love you!” hindi ko alam na yun ang itatanong nya. Kinabahan ako…bumilis ang tibok ng puso ko. Nanahimik sya kasi wala syang sagot na narinig mula sakin. Gusto ko na syang sagutin nun, kaso uuwi na daw sya. Babalik na lang daw sya kinabukasan. Hinatid ko sya hanggang tulay kung saan naghihintay ang mga friends namin. Nagpapaalam na sya pero malungkot ako, kasi napalungkot ko sya kanina. “Sandali!”, sabi ko sa kanya. “Bakit?”, sabi nya habang hawak nya ang kamay ko. “Sinasagot na kita!” Nakita ko yung tuwa sa mga mata nya.

“Anong sinabi mo?”

“Sabi ko, tayo na…sinasagot na kita!”

“Hindi yun ang gusto kong marinig.”

“Eh ano?” sabi ko.

“Gusto ko yung eksaktong sagot sa tanong ko kanina.”

“Ano bang tanong mo?” habang kinikilig ako.

“I love you!”

“I love you too!”

At niyakap nya ako. Sobrang saya kasi kami na. At mula nun, bawat araw ko ay masaya. Laging makulay…laging inspired. Then, isang gabi…

“Matutuloy na pala yung pag-alis ko papuntang Japan.”

Nalungkot ako bigla. Masaya ako para sa kanya kasi makaksama na nya ang mama nya dun. Matagal na kasi nya yun gusting mangyari.

“Bakit kasi ngayon ka lang dumating sa buhay ko? Sana noon pa, yung bago pa lang ayusin ng mama ko ang pag-alis ko.” Okay lang sakin kahit masakit na magkalayo na kami. Para sa kanya din kasi yun.

Lumilipas ang mga araw samin na kahit masaya, alam kong matatapos din. Malapit na syang umalis, next month na…January 22. Iniisip ko pa lang na darating yung time na mawawala sya sa tabi ko literally, nalulungkot na ako…nahihirapan na ako. Pero sabi nya nga, “Aalis ako pero may babalikan din ako…”

The day before he left…1:30 in the afternoon. Hinihintay nya ako sa bahay namin, nasa school pa ako nun. Pag-uwi ko, nakita ko syang nakahiga sa kama ko. Malungkot. Umupo ako sa tabi nya. Walang salita mula sa isa’t-isa. Hindi ko maintindihan kung anong feelings namin that time. Parang nakikiramay samin ang oras…tahimik… malungkot… mahirap. Umalis na lang sya, susunduin nya na lang daw ako kinagabihan para sa despidida nya.

Kinagabihan. Dumating sya, kasama mga friends namin. Habang nasa sasakyan kami papunta s kanila, iyak ako ng iyak. Inaasar pa nga ako ng mga kasama naming kasi wala naman daw namatay. Hindi ko maexplain sa kanila kung gaano kasakit, kung gaano kahirap na ang taong nagpapasaya sa buhay mo ay iiwan ka na. after despidida, hinatid na nya ako sa bahay. Habang tinitingnan ko syang paalis, gusto ko syang habulin at pigilan dahil matatagalan ulit bago ko sya makita. Pagpasok ko sa bahay, humiga agad ako at nagtalukbong ng kumot. Doon ko nailabas ulit ang sakit ng iniwan.

Iyak.

Iyak.

Iyak.

Hanggang sa makatulog na ako.



2:30 ng madaling araw.

Maya-maya, may gumigising sakin. Si Marvin, ang bestfriend ko.

“Best, andyan si Ronel sa labas.”

“Wag mo nga akong biruin best.” sabi ko.

“Hindi nga ako nagbibiro, lumabas ka ah, hintayin ka namin.”

Agad kong inayos ang sarili ko. Paglabas ko, nakita ko nga sya na nakaupo sa tapat. Tumabi ako sa kanya. Parang tanga lang ako kasi iyak na naman ako ng iyak. Nakita ko din syang umiyak. Ayaw nya din akong iwan…pero kailangan. Nakakatuwa lang kasi hindi na sya umuwi knowing na mamaya na ang flight nya. Gusto nya daw ako makasama bago man lang daw sya umalis. Hindi ko makakalimutan ang moment na yun – nakatitig sya sakin habang nagluluto ako ng almusal. Mga titig na sobrang nakakapanghina.



Araw na ng pag-alis nya

7 ng umaga

Nagring ang phone ko. Tumatawag ang tita nya. Hinahanap sya, akala nya daw baka nagtanan na daw kami (hehe). Pinapauwi na sya. 2 ng hapon ang flight nya. Kaya, kailangan na nyang umalis. Hinahatid ko na naman sya sa tulay. Nahihirapan na naman akong makita syang umaalis. Pinipigilan ko ang luha ko. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng ipakita sa kanya, alam kong nahihirapan lang sya. At sa huling sandali, niyakap ko sya ng mahigpit. At yun na ang huling moment na nakita ko sya.

Past 1 in the afternoon, natanggap ko ang pinakalast nyang text sakin.

“Mahal na mahal kita, wag mo akong ipagpapalit ah, gusto ko ako lang ah…bye!”



After nun, dumadaan ang bawat araw sa buhay ko na laging may kulang. Namimiss ko lahat ng kulitan namin…

mga text nya…

mga tawag nya…

smile nya…

boses nya…

Sobrang miss ko ang lahat sa kanya.

Malungkot.

Mahirap.

But I really have to deal with it.



February 2, 2004

Pinapunta ako ni tita sa bahay nila. May pinadalang stuff toys si Ronel para sakin. Nakausap ko din sya ng sobrang tagal. Nakausap nya din ang mga friends namin…kulitan pa din. Sobarang saya! Sobrang kilig! Dumadaan ang mga lingo at buwan, madalas kaming mag-usap sa cellphone, sa YM. Lagi akong excited pag nakakausap ko sya. Pero habang tumatagal, dumadalang ang madalas nyang pagtawag sakin. Madalas na ako magtampo sa kanya. Kaya medyo parang magulo ang status namin that time.



After more than a year, when I was on may home from school…pagbaba ko sa tricycle, napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan. He came back. May pasalubong syang mga stuff toys. Fave ko kasi ang mga yun…sobrang saya kasi nakita ko din sya. Parang lahat ng paghihintay ko sa kanya ay worth sa isang smile nya lang…but everything has changed. Naging magulo dahil sa isang past na nagawa nya sakin. Kaya kahit gaano ko pa sya kagustong yakapin…parang may pader na nakaharang sa harap ko. Masakit man sakin, nararamdaman kong gusto nya ng tapusin ang lahat. Sa pag-aakalang yun ang magandang gawin. Kahit ipaglaban ko pa, unfair na din for him. We decided to end up everything. Kahit sobrang masakit sa puso ko, pipilitin kong kayanin. Siguro nga, yun na lang dapat. Nag-usap kami ng maayos. Friends pa din naman kami. Pero kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na enough na, puso ko pa din ang nagdidikta ng totoo kong feelings…mahal ko pa din sya…mahal na mahal…sobrang mahal! Siguro nga may mali din ako, but it’s all over. Wala na kami. Tapos na kami. Wala na ang taong sobra kong minahal. Wala na ang taong naging buhay ko. Maybe, we’re not really meant to be.



Now, seven years had passed, marami ng nagbago. Marami na din ang dumating sa buhay ko. Marami na din ang nagpasaya at nagpalungkot sa puso ko. Pero nanatili pa din sya sakin. Isa sya sa mga past na sobrang hindi ko makakalimutan. I always thank God kasi for once in my life, nagging part sya ng buhay ko. And I’ve learned so much lessons. For now, we’re still good friends…a special good friend to me as he will always be in my life. Thanks Ronel, for teaching me the true essence of love, for making my life worth living. Thanks for everything!



This is my love story seven years ago…now, I already have a wonderful lovelife and hoping he has the same.



I’ve learned na sa bawat relasyon na nagkakaroon tayo, we are always hoping and praying na sana sila na talaga ang makasama natin for life, pero kung sakaling dumating man ang time na kailangan nilang magpaalam, just let them go. May darating pa na magmamahal satin. Just be grateful kasi naging part sila ng buhay natin, be thankful also sa mga lessons that we’ve learned from them. And if the right time comes, we will end up with the one who will be our partner for the rest of our life. And we will live happily ever after.

Goodluck for your lovelife!!! *-*



back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com