These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Ang Kamaling Paghanga

     


First year high school na ako nagkaroon ng mga bagong friends at classmates. Sa catholic school ako nag a-aral. One time nagprapraktis kami sa church ng songs lahat kaming firstyear highschool ay nandun. Pinagalitan ng teacher ang isang estudyante dahil maingay. Tumingin ako doon napansin ko ang isang lalaki na naka sweater ng red nakangiti siya sa akin. Hindi ko alam kung anu ang nararamdaman ko sa oras na yun pero na love at first sight ako sa kanya at matapos ang pagprapraktis ay nagline kami sa ground at nakita ko siyang katabi lang namin pala ang line ng section nila. Masayang-masaya ako sa araw na yun at sinabi ko rin ito sa aking mga kaibigan nakilig naman sila at ang isa ko pang kaibigan ay may kilala siyang kaibigan ng lalaki na babae na kilala nya daw yung lalaki na si Ren (di totoong pangalan)sinabi nila sa akin yung pangalan niya at gabi-babi ko itong sinasambit sa aking isipan. At araw araw na gusto ko syiang makita. Makalipas na ng ilang buwan sya parin ang aking hinahangaan.Recess na at pumunta ako sa cr. ng bumalik ako sa classroom naririnig ko ang pangaln ni Ren sa isa kung classmate.Hindi ko ginusto ang aking narinig na si Shey (di totoong oangalan) at Ren ay magkasintahan na.

Nasaktan ako sa natuklasan ko at sinabo ko to sa mga kaibigan ko nalungkot rin sila .Pinipilit ng aking kaibigan na sabihin kay Ren ang paghanga ko sa kanya pero may girlfriend na siya. Nahihiya parin ako at sinabi parin nila iyun sa kanya na wala pa akung pahintulot. Kumakaba ang aking puso anu kaya ang sasabihin niya sa akin. Ng bumalik sila at tinanung ko kung anu ang sinabi niya. At ito ang kanyang sinabi" Sino ba siya basta maganda at mayaman".. napatitig lang ako sa mga kaibigan ko parang may gusto akung sabihin na hindi ko masabi. May halong galit, lungkot at dismaya ang aking nararamdaman sa araw na iyun. di ko akalain na ganito pala siya may girlfriend nga siya Chickboy pa. May itsura nga pero ganun pala ang ugali Mukang Pera!..dahil dun hindi ko na pinayagan ng aking sarili na humanga sa taong hindi ko pa masyadong kilala.

At fourth year highschool na ako di ko makalimutan ang sinabi niya sa akin pero nagtransfer na siya nung secondyear pa kami.At ngayun hindi ko na siya nakita pa....

(pasensya na sa maling pagkabaybay at spelling sana naintindihan ninyo at nagustuhan ito salamat po)



DD...

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com