These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      If i can only turn back time..

     


Pano ko ba ito uumpisahan????

Nakilala ko siya ng hindi sinasadya. Its my birthday!!!.mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya. Naging ok kami, nagkikita at pinupuntahan ko siya sa kanila. Hindi kami pero special siya para sakin..Ganito ang naging sitwasyon naming dalawa for almost 5 months..Natatandaan ko pa kapag sinusundo niya ako, he kept on asking kung na-miss ko daw ba siya, I said “of course”..suplado siya kaya hindi ko siya nakitaan ng pagiging emotional…sabi niya seryoso siyang tao..oo totoong seryoso siya dahil never siya ngkwento sakin ng about sa buhay niya..laging ako ang gusto niya marinig magkwento…ngumingiti lang siya pero hindi siya palatawa..naging curious ako sa kanya habang tumatagal..One time tinanong ko siya kung bakit wala siyang girlfriend, isa lang ang sinagot nya “lagi nila ako iniiwan”, yun lang ang katagang binitiwan nya…napaisip tuloy ako pagkatapos niya sabihin un.(bakit kaya???)..

Maraming beses ko din siya nakasama at alam ko mabuti siyang tao…hindi man niya ako napapatawa pag magkasama kami pero Masaya naman akong kasama siya, isang pakiramdan na sana mahalin niya ako..Isang araw hindi ko sinasadyang Makita ang status niya sa FB, In a relationship with…nalungkot ako, tinext ko siya about dun at hindi naman nya dineny yun.Sabi niya nakilala daw niya sa bar.. ok nalang ang nagging sagot ko..tinanong niya ako kung galit ba ako, sabi ko “hindi, masaya ako for you”…After that hindi muna ako nagparamdam..and then nakareceive ako ng text from him, magkita daw kami wala sa isip ko ang humindi dahil miss ko na siya at gusto ko siya makita..Nagkita kami after ng work ko, kinumusta ko siya sabi niya “wala na daw sila nung Girl” sabi ko “bakit?”..”wala lang daw”..never tlaga siya ngshare ng problem..

Feb 8, 2011.. I still remember, ito yung araw na pinagsisihan ko..nakipagkita siya sa akin at pumayag ako..i thought same lang ng dati, pero that time iba siya..una niya akong kinumusta, at ang lambing niya sa pagtatanong..sabi ko “anu meron at bakit parang ang lambing mo ngayon?”..sabi niya “wala lang, ayaw mo ba?”..may halong pagtataka pero binalewala ko iyon..magkasama kami nun at Masaya ako yun ang tanging nararamdaman ko at yun ang importante para sakin..that night hindi niya ko pinaalis sa tabi niya, hawak niya kamay ko at ayaw niya bitawan..gusto ko siyang yakapin at halikan nun, pero hindi ko kayang gawin,nag-alinlangan ako,kinakabahan ako at natatakot..Nakauwi na ko nun, pero di mawala sa isip yung nangyari…

After nun, hindi na siya nagtext at hindi ko na rin siya makontak..kahit sa facebook even though I tried many times hindi ko na siya Makita…nagsisisi ako dahil hindi ko man lang nagawang sabihin na gusto ko siyang mahalin..tama nasa huli ang pagsisisi,pero ok na din yun atleast once in my life I met someone like him…but until now, umaasa ako na sana Makita ko siyang muli…









back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com