These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Happy Birthday

     


Hapi birthday



13th April 2011, Wednesday, 7:00 in the morning, I was about to attend the 2nd Saudi Radiologic Technologist Convention at Riyadh Exhibition Center when I decided to text Spanky of a simple Happy Birthday. I don’t expect him to reply, feeling ko kasi masyadong masakit ang mga nabitawan naming salita the last time na nag-away kami halos tatlong buwan na ang nakakaraan at hindi agad maghihilom ang sugat na hatid noon. At sa humigit-kumulang na tatlong buwang nagdaan ay walang kahit na anumang komunikasyong namagitan sa amin. It was more than two hours later when I checked my cellular phone for any calls or messages and there it was a reply from Spanky.



“Salamat, pero mas maganda kung may kasamang regalo ang greetings mo…J”



“Lagi ka namang may regalo from me di ba, itinabi ko lang ‘yung ngayon saka ko na ibibigay sa iyo kapag mabait ka na.” Naghanda ka ba?” masuyo kong tanong.



“Hindi. Wala naming nakakaalam dito sa opisina na birthday ko. Alam mo naman na ikaw lang ang nakakaalala.” Madamdaming sagot niya.



“Kung wala lang akong pasok bukas ipagluluto sana kita saka busy ako mula pa kahapon kasi nandito nga ako sa convention.” Pagmamagandang loob na sabi ko.



“Huwag na nakakahiya naman sa iyo saka sanay naman ako na walang masarap na pagkain kapag birthday ko.” Pagtanggi niya.



“Asus! Anong wala kang pagkain? Eh! Di ba lagi kitang pinagluluto kapag birthday mo ngayon nga lang hindi kasi bad ka, sinaktan mo ako.” Pagpapaalala ko sa kanya. Nagsimulang manuyo ang aking lalamunan at nagsikip ang aking dibdib. Unti-unti ay tumulo ang luha ko. At muling bumalik ang hapding dulot ng sugat ng kahapon.



“Hello! Nandyan ka pa ba? nasaan ka ba? tanong niya.



Pinilit kong payapain ang aking kalooban at muli banayad akong nagsalita.



“Nandito ko sa taxi nanggaling ako sa Saudi British Bank binayaran ko ‘yung visa card nila Inday at Pipay. Gusto ko sanang dalhan ka ng pagkain kaso gabi ng matatapos ang convention ibibigay na din kasi ‘yung certificates namin.” May panghihinayang na pahayag ko.



“Huwag ka na ngang mag-abala. Okey naman ako. Next time na lang.” Tugon ni Spanky.



May nararamdaman akong lungkot sa tinig ni Spanky at gusto kong isipin na dahilan iyon sa aming naging pag-uusap pero pilit ko itong iwinawaksi sapagkat batid ko na maaaring muli na naman akong masaktan kapag hinayaan kong makapasok siyang muli sa aking buhay, sa aking puso.



“Sige na papasok na ako ulit sa loob ng convention center. Hapi birthday ulit.” Masuyo kong pamamaalam.



May hapdi pa rin sa aking puso. Sapagkat kung hindi naganap ang minsang kataksilan nila ni Grasya maaaring masaya naming ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan ngayon. Marahil ay maraming putahe ng ulam na nakahain sa hapag-kainan, ang paborito niyang kare-kare na may maanghang na manamis namis na bagoong, macaroni salad, menudo, spaghetti at lumpiang shanghai. Ito sana ang plano naming noon, maghahanda siya at iimbitahin ang ilan sa kanyang mga kasamahan bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya, bago nangyari ang mainitan naming pagtatalo. Muling bumulwak ang luha sa aking mga mata. Naroon pa rin ang sakit, tumatarak sa aking dibdib. Humihiwa. Hindi napawi ng tatlong buwang pagkakalayo at pananahimik.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com