These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Ang Kyut na Paslit sa Khurais Mall

     


Ang Kyut na Paslit sa Khurais Mall

As I am listening to your favorite love song entitled Later which was revived by side A band I can’t help myself but linger with the kakakilig moments last Friday, 11th of December 2009.

Matapos ang matagal na panahong hindi natin paglabas ng magkasama, nang akala mo walang katapusang pagtatalo at pag-aaway, makalipas ang humigit-kumulang limang buwan ng pagsasawalang-kibo, ang taimtim kong paglilimi sa sitwasyong kinasusuungan ko; narito ako ngayon muling hinayaan ang aking sarili na makapiling ka, walang anumang pag-aalinlangan; na wari baga’y hindi lumipas ang limang buwan ng ating pananahimik at animo’y katapusan na ng kung anumang namagitan sa ating dalawa.

Bawat minuto ng gabing yaon, bawat eksena, bawat salitang binibigkas ay nagbibigay saya, nagpapasilay ng ngiti sa aking mga labi…sino nga ba ang magsasabing walang tayo…walang ikaw at ako. Nang mga sandaling yaon na magkasabay tayong naglalakad pakiramdam ko’y walang ibang tao sa paligid maliban sa iyo at sa akin. Walang kaba, walang bahid ng takot ang tanging mahalaga ay magkasama tayo muli, enjoying the risk of might be caught in this unusual kingdom.

Makalipas ang mahabang oras ng pag-iikot at pamimili ng ilan sa mga pangunahin nating pangangailangan nagpaalam ako upang bumili ng pagkain. Sa pagpunta ko sa foodcourt ng Khurais plaza nakasalubong ko ang dalawa sa mga kasamahan kong nurse at magkakasabay naming tinungo ang kainan. Umorder ako ng KFC zinger sapat ng pamatid-gutom sapagkat gabi na at napapansin na natin na lumalaki na ating mga bilbil…hahaha! Pagkakuha namin sa order ay sabay sabay na rin naming nilisan ang lugar na iyon subalit ang aking puso ay nag-aalinlangan sa maaring maging tagpo kung sakali at magpang-abot tayong apat. Hindi ko mawari kung paanong diskarte ang gagawin ko mabuti na lamang at naisipan ng dalawa na bumaba pa at tumingin sa ibang boutique. Niyayaya nila ako subalit tumanggi ako kaya’t sila’y nagpaalam at humiwalay na sa akin papuntang escalator subalit batid ko na napansin ka pa rin nila sapagkat sa muling pagbawi ko ng tingin mula sa kanila paharap ay naroon ka na sa aking harapan. Sino ba naman ang hindi makakapuna sa isang kwestyunableng nilalang na tulad mo at kausap ko pa sa lugar na iyon at marahil ay hindi naman maikakaila na magkakilala tayo.



Malaya tayong naglalakad at binabaybay ang mall ng maisipan mong pumasok sa isang tindahan ng mga sapatos, sinundan kita at tumingin-tingin tayo hanggang sa magpasya kang maunang lumabas. Ilang saglit ay nilisan ko na rin ang tindahan upang sa paglabas ko ay masaksihan ang isang tagpo na biglag nagpapitlag sa aking puso. Naroon ka kausap ang isang kyut na paslit na nakapangunyapit sa ating pushcart. Napangiti ako kaysarap ninyong pagmasdan at hindi ko naiwasan na hindi makisali sa nakakatuwang tagpong yaon at ang kyut na paslit na wari baga’y nakakaunawa, nakikiayon sa masaya at kakaibang kwento ng gabing yaon ay halos hindi humihiwalay sa atin; nakikipag-usap sa wikang Arabic nakikingiti, nakikilaro biglang may sumagi sa aking balintataw…isang masayang pamilya, if I could only capture that moment, kung maaari ko lamang ilagay sa frame ang napakaespesyal na tagpong yaon; ikaw, ako at ang kyut na paslit. Kay sarap namnamin ng gabi, kundi nga lamang sa pangambang ang panganib ay nasa gilid-gilid lamang. At sa bawat hakbang palayo sa kyut na paslit ay nabalot ako ng kakaibang pangungulila, pagnanasa, paghahangad, pagnanais…na sana gusto na pala ng puso ko na mayroon tayong isang anghel na tulad nya. Isang buhay na alaala na makakasama ko sa mundong ito kung sakali at matapos na ang ating fairytale.

Muli ang paglalambing ko, “bili mo naman ako ng krispy kreme, (special donut dito sa Saudi) geh na po please!”

“Anong flavor?” tanong mo.

“Chocolate glazed.” Sagot ko.

“Oh! Ayan. Ambisyosa ka talaga, nag-iilusyon ka na naman.” Padaskol niyang litanya habang iniaabot ang plastik ng donut.

Ahhh…napakasarap mo talagang paglambingan, na kahit nagagalit ka alam kong susundin mo pa rin ang mga kapritso ng isang ilusyunadang katulad ko. Ikaw ang nagpapasaya sa akin; sa mga sandaling binabalot ako ng panimdim, sa mga pagkakataong pakiramdam ko’y inaapi ako nandyan ka lagi sa tabi ko, sa kabilang linya ng telepono upang iparamdam na mahalaga ako, that you care. Ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit gumagaan ng pakiramdam ko kahit na minsan nakakabigat ka din naman…ngunit sa kabuuan…isa ka sa mga nagbibigay kulay sa aking mundo…aking Prinsipe.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com