These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      My first boyfriend by M.D.A.

     


i was a 14 yrs old, 2nd yr high school sa isang public school sa paranaque ng magkakilala kami.. sa totoo lng madami ako naging crush noon, pero sa kanya lang iba pintig ng puso ko. isang classroom ang pagitan ng aming room. ako ang pinakamagaling sa klase namin at ganun din naman sya sa klase nya. una napapansin ko sya na patingin tingin sa akin, kapag inuutusan ako ng guro ko, kapag kakain kami sa canteen nakikita ko sya nakatingin hawig nya si johnloyd cruz. then isang araw may love letter ako natanggap galing sa kanya ipanadala nya ito sa isa sa mga kaibigan nya. nagtataka ako bat ganun ang bilis ng tibok ng puso ko di ko alam kung matutuwa ba ako o iiwas ako.. lumipas ang mga araw lagi ko na sya nakikita, lagi nya ako inaabangan kapag kakain na o breaktime namin sa school, inaabangan din nya ako kapag uwian. nanliligaw na pala sya nun actually di ko rin alam na nanliligaw na pala sya sa akin..



Lumipas ang mga buwan magpapasko Christmas party dala na rin ng tuksuhan ng mga kaibigan sinagot ko sya so, bago magchristmas vacation kami na, di pa uso noon ang text. malalaki pa cellphone noon at telepono pa lang ang meron noon. lagi nya ko tinatawagan sa bahay kwentuhan kami..



Pagkatapos ng bakasyon balik aral na ulit, busy sa pag-aaral kahit kami na, di kami nagpapabaya sa pag aaral candidate sya at ganun din aman ako.. minsan, araw ng mga puso.. di ko naman alam na kapag may boyfriend na may mga regalo regalo na ibibigay and di ko nga napansin na araw pala ng mga puso, kahit nga yun monthsarry na celebration meron pala ganun ganun jejeje!!! sya lahat nagturo sa akin ng mga ganun ganun.. niregaluhan nya ako ng bulaklak with chocolate natuwa naman ako, kaya lang wala ako naibigay sa kanya kasi di ko naman alam. pagkabigay nya sa akin ng bulaklak bigla nya ko hinalikan sa labi, nagulat ako malambot pala sa pakiramdam ang unang halik hahaha!!! bukod pa dun hinalikan nya ko sa harap ng mga clasmate ko.. tuksuhan.. nahiya syempre ako..



Una namin pag aaway ng sabihin ko sa mga barkada ko na break na kami naging uso kasi sa klase namin ang break ang boyfriend pero ang totoo di naman kami break nasabi ko nakikiuso lang.. kaya pagdating ng tanghalian nagulat ako nasa likod ko sya umiiyak, akala ko kaya sya umiiyak dahil sa masama ang pakiramdam nya di pala dun. may nagreport sa kanya na isa sa mga kaibigan nya na sinabi ko daw na break na daw kami. nakonsyensya ako, sabi ko sa kanya nasabi ko lang yun nakikiuso lang ako sa tropa, di ko naman sinasadya na saktan sya humingi ako ng tawad sa kanya binilhan ko sya ng chocolate hahaha!! bata pa ko noon.. di ko pa talaga alam kung panu makipagrelasyon, naintindihan naman nya ako.. marami kami mga ups and down sa relasyon namin.. marami ako natutunan sa kanya.. nakilala ko na rin sya kung ano gusto nya at kung ano mga ayaw nya..



One time sinundo ako ng papa at mama ko sa school so nagulat ako, kasi madalang nila ako sunduin sa school dahil busy sila sa trabaho.. pagsakay ko ng kotse namin pinagalitan nila ako may nagsabi sa kanila na may boyfriend ako, di ko aman tinanggi yon, sa totoo lang di ko naman tinago sasabihin ko dapat sa kanila pero pano? wala naman sila lagi sa bahay.



Sinabi sa akin ng akin ama na tapusin ko lng ang 2nd yr ko sa school. 3rd yr. ko transfer nila ako sa private sa school



So, di nya alam na aalis ako sa school namin di ko sinasabi sa kanya.. natatakot ako, di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya na kailangan namin maghiwalay na..



Huling araw namin sa school sinagurado ko na sa maghapon namin sa school lagi kami magkasama, nagtataka sya at naninibago sa akin.. wala naman ako maisagot sa kanya, di ko kaya sabihin. ayoko ko sya makita na malungkot, nasasaktan ako pero wala ako magagawa kailangan ko sundin ang magulang ko.. Pauwi na kami sabay kami sasakay sa dyip mauuna lng xa bumababa sa akin, ako na mismo humalik sa kanya..



Simula noon mga araw na nagkahiwalay kami wala na ko balita sa kanya di na kami nagkausap at di ko na rin sya nakita lumipat din kasi kami ng bahay.. hanggang sa matapos ko ang kolehiyo ko..



One time nagmasyal ako sa mga tyahin ko sa paranaque naisip ko pumunta muna ng mall may bibilhin ako.. nagutom ako at kumain ako sa foodcourt.. nagulat ako!!! nakita ko sya, at nakita na pala nya ako. nakatingin lang sya sa akin. di ako nakagalaw sa upuan ko.. then napansin ko, may lumapit sa kanya na babae na may kasama bata.. masakit!! gosh!! kinarga nya yun bata.. habang paalis cla nakatingin pa rin sya sa kin habang palayo.. may asawa at anak na sya.. Haist...!



Actually sa pusot isipan ko sya pa rin lagi kahit nun mga oras na yun.. umaasa na isang araw may pagkakataon na kami lalot nasa tama gulang na kami.. kaya lang di na nya ko nahintay, sabagay naintindihan ko sya. umalis ako at di nagpaalam sa kanya.. kaya labis ako nanghinayan.. haist..



back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com