These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Ganun ata talaga. :(

     


he was my first boyfriend. kaklase ko siya nung highschool. pero 2nd year college na nung naging kami. magkalayo kami. dito ako sa manila at dun siya sa Nueva Ecija. ang hirap ng ganun. ang dalang naming magkita. pero tiniis ko yun dahil mahal na mahal ko siya. pero dumating din yung oras na kinakatakot ko. nagbago siya. nakipaghiwalay siya. i later found out na may iba na pala siya.. ang sakit! sobrang masakit na wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko. almost three years din yung pinagsamahan namin. pero parang wala lang yun lahat sakanya.. ilang linggo na kaming hiwalay nagyon pero ang hirap pa din tanggapin. sorbang masakit pa din. and tonight, kakalimutan ko na talaga lahat. sobrang masakit pa din. pero gaun talaga eh. wala na siyang pakialam saken. ayoko na din sanang makialam sakanya. hindi ko lang magawa. i always pray every night na sana paggising ko, hindi ko na siya kilala. o kaya sana isang taon na ang nakalipas para okay na talaga ako. gusto kong takasan yung sakit. pero pinipilit kong harapin para matapos na. buhay pa naman ako eh. life goes on. sobrang malugkot pero wala akong magagawa but to be strong. sobrang thankful ako sa mga taong laging handang makinig saken kahit parang paulit ulit na lng ako. Lalo na sa Kanya who never fail to make me feel better. alam ko matatapos din to. kailangan ko lang talagang dumaan dito so i can be better. magiging masaya na lang ako na masaya na siya with that girl. magiging masaya din ako. actually masaya naman sana talaga ako eh. may mga ganitong moments lang talaga. parang nakakabaliw. hayy. kaya ko to. hindi titigil ang mundo dahil lang iniwan niya ko. actually, i got a bigger world. kasama ng mga taong totoong hindi ako iiwan. Dun ako swerte. at sana paggising ko bukas, mas okay na ang mga bagay bagay. o kung hindi man agad bukas, sana soon.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com