These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Love hurts

     


Hindi ko sya gusto non pero dahil sa nagkasama kami sa bahay nahulog na din yung loob ko sa kanya, ganoon din naman sya,ginamit nya ko para pagselosin yung girlfriend nya na akala nya mahal sya pero ginagamit din sya.



Kasal na kami. May isang anak. Madalas kaming mag-away pero nagkakabati din naman kami agad. sabagay maliit na away lang naman..



Pero itong huling away namin, mukang ito na yung magbabago sa samahan namin. Nagkagalit kami ng dahil sa tissue. Nagdabog ako dahil sa sobrang galit ko. Siguro naasar na din sya kaya sinunggaban nya ko nang nakatikom ang kamay at nanlalaki ang mata. alam kong di nya ko kayang saktan kaya malakas ang loob kong sabihin sa kanya na kung gusto nya kong suntukin,gawin nya. Hindi nya nga ginawa pero sa binitawan nyang salita pakiramdam ko hindi lang suntok ang inabot ko. minura nya ko, nung hinawakan ko yung kamay nya nung nagpapasuntok ako sinabi nya na "Huwag mo kong hawakan, nakakadiri ka!Nandidiri ako sayo!" nawala ako sa sarili ko, natulala ako. Hindi ko akalain maririnig ko yon sa sarili kong asawa. Sa unang tao kong minahal, sa taong una kong ibinigay lahat!



Ang sakit sakit pero wala akong magawa. bata pa yung anak namin at alam kong sa ngayon hindi ko pa kaya.



Sa tuwing naaalala ko yung nangyari, kung ano yung sinabi nya, kung pano nya ko tinignan, tumutulo na lang yung luha ko. Napapaisip kung hanggang kailan ako magtitiis dito sa bahay kasama sya kahit hindi ko na sya makuhang tignan o kausapin.





Nakikipaghiwalay na ko sakanya kaya lang away nyang pirmahan yung papel. Gusto kong umalis na dito kaya lang wala naman akong matatakbuhan...



mahal ko sya pero kailangan kong mahalin din yung sarili ko!hindi ko nga lang alam kung saan at paano ko magsisimulang humakbang pasulong.















010509

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com