These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      How can you move on if all you wanted for the future is your past?

     


How can you move on if all you wanted for the future is your past? Haaay! Ang hirap nga naman ng nasa ganitong sitwasyon. Noong nasa high school pa ako wala sa isip ko ang mga bagay tungkol sa love at heartaches, natatawa na nga lang ako sa mga kaibigan ko kapag nagku-kwento sila about love. Hindi ko inasahan na darating ako sa ganoong stage, sabagay lahat naman ng tao nararanasan ang ma-in-love. 15 years old ako third year high school, September 2005 nang makasabay ko sa jeep ang taong hindi ko inaasahang magiging first love ko. Makalipas ang ilang araw habang nakatayo kami ng mga kaibigan sa tapat ng classroom namin (hinihintay kasi naming ‘yung teacher namin para mabuksan ang classroom) biglang dumaan ang lalaking nakasabay ko sa jeep. Nagmamadali siyang maglakad at natapakan niya ako, nadumihan tuloy ang sapatos ko ang masaklap do’n hindi man lang siya nag-sorry dumiretso lang siya sa classroom nila.



Nang dahil sa C.A.T. ay nakilala ko siya ko siya ng lubos, hindi naman pala talaga siya suplado. Aloof lang talaga siya sa mga babae. Nagkakapalitan kami ng SMS araw-araw at nagkakausap din kami sa school. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa magkaroon kami ng relasyon ilang araw bago ang kanilang graduataion. Masaya naman an gaming unang mga lingo ng relasyon namin. Dalawang buwan lamang ng masayang pagsasama ay nauwi din sa salitang “paalam”, parang guguho na ang mundo ko nang mangayari ‘yon. Naiisip ko tuloy na mas masaya kung bata na lang ako palagi dahil kapag umiyak ako candy o cholcolate lang tatahan na ko. Pero nung panahaong naranasan ko ang heartaches, ang hirap i-explain ng nararamdaman ko ng gabing ‘yon magdamag akong gising sa kakaiyak, umaga na nang makatulog ako at paggising ko namamaga na ang mga mata ko. Ano pa naman ang aasahan ko kundi namamagang mata magdamag ba naman akong umiyak.



Halos 4 years ko siyang iniiyakan kapag naalala ko siya, kahit anong gawin ko siya pa rin ang naiisip ko kahit maging abala ako walanag araw na hindi siya sumasagi sa isip ko. Hindi ko inakala na ang 2 months na relasyon ay mauuwi sa 4 years na hindi paglimot. Kahit may manligaw sa’kin hindi ko magawang ibaling sa iba ang pagmamahal ko. Nagkaroon muli kami ng communication at sinabi niyang babalikan niyang muli ako pagdating ng tamang panaho.



Ngunit hindi pa do’n natapos ang lahat. Madalas na ulit kaming nagpaplitan ng SMS minsan nagde-date, nang dahil do’n napaisip ako kung anon a nga ba ang sitwasyon naming ngayon ngunit sa kanya ko din mismo nalaman na wala lang ang lahat at ayaw pa niyang isipin ang gano’ng mga bagay. Kahit pa nasasaktan at nararamdaman kong wala na akong halaga sa kanya umaasa pa rin ako na darating ang araw na magkakabalikan pang muli kami. Dahil hanggang ngayon siya pa rin ang mahal ko at pinapangarap na makasama habambuhay. Sana pag dumating ang panahong ‘yon hindi pa ako pagod na mahalin siya.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com