These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Paalam na

     


Sino nga ba sa atin ang hindi pamilyar ang kantang ito ni Rachel Alejandro ang “Paalam Na”. Ang kantang ito ay tatatak sa mga taong nasaktan na. Naalala ko nga nung nag-celebrate kami ng Buwan ng Wika sa aming campus noong taong 2007, kinanta ng isang school mate ko ang kantang ito. Dahil naka-relate ang mga judges hayun sinuwerte s’yang manalo.. Bukod sa maganda ang kanyang boses nagustuhan din ng mga judges ‘yung kanta. Kasi ba naman habang kumakanta ‘yung school mate ko na ‘yon nakita ko ‘yung mga judges na kinilig, para ba’ng may naalala nung kabataan nila. He!He!He! (‘bat nga ba hindi ko naisip na kantahin din ‘yon).



Kung ang mga judges nung Buwan ng Wika any may naalala sa kantang ‘yon para sa akin ay mayroon din kahulugan ang kanyang ‘yon.



Nais ko lang malaman mo

ang laman ng aking puso

baka ‘di na mabigyan ng ibang pagkakataon

na sabihin ito sa’yo

(Matagal ko na sanag ginawa ‘to kaso hindi ko kayang sabihin sa’yo dahil ikaw pa rin ang laman ng puso ko kahit na gusto nang bumitaw nito sa pagod, hindi naman kasi madali ang sitwasyon ko dahil alam kong mas masasaktan ako kung makikita kong iba ang kasama mo.)



‘di ko ito ginusto

na tayo’y makalayo ngunit ‘di magkasundo

damdamin laging ‘di magtagpo

(Hindi ko naman gustong bumitaw pero ang pinanaramdam mo sa’kin na hindi mo na ako kailangan ang lalong nagpapahrap sa’kin. Hindi ko na alam kung ikaw pa ba’yung dati kong nakilala kasi iba ka na. Nagbago ka nga ba o talagang ‘yon lang ang nararamadaman mo. May mga pagkakataon kasing dumadating na maaalala mo ko kung kailangan mo pero pagkatapos nun mawawala ka na naman ulit. Maghiintay na naman ako nang matagal bago ka pa sumulpot at magparamdam ulit.)



Chorus:

Paalam na, aking mahal

kay hirap sabihin

(Mahirap naman kasi talagang sabihin ang salitang paalam eh! Kaya nga sa blog ko dinaan lahat ng gusto kong sabihin. Ito na lang kasi ‘yong naisip kong paraan para masabi ang lahat ng nararamdaman ko.)



Paalam na, aking mahal

Masakit isipin na kahit nagmamahalan pa

puso’t isipa’y magkaiba

(Masakit isipin na kailangan magpaalam dahil kahit papano naging masaya din naman tayo. Pero wala talaga eh! Iba na ngayon, hindi tulad noon nung simula pa lang halos’yung mga gusto natin sa buhay parehas. Pero nagayon halos mag-iwasan na tayo at mag-away kapag may mga bagay na hindi nagugustuhan. Kung tutuusin kaya kong magtiis pero kung ikaw na mismo ‘yong lumalayo wala na kong magagawa do’n kundi magpaalam ‘yan lang naman ang paraan para maging masaya ka)



maaring ‘di lang laan sa isa’t-isa

(Sakit nga eh! Kung sino pa ‘yung minamahal natin parang nakatadhana na hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. Sabagay parang ayaw mo na rin naman kaya mas mabuti pang hindi tayo para sa isa’t-isa kaysa naman dumating pa ‘yong panahon na magkakasakitan pa tayo ng damdamin ng sobra-sobra.)



Sana’y ‘wag mong isipin

na pag-ibig ko’ ‘di tunay

dahil sa’yo lang nadama ang isang

pag-ibig na walang kapantay

(Teka lang! alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko ‘di ba?.... Kaso ikaw na ‘tong nakikita kong gumagawa ng paraan para magkalayo tayo. Pagod na pagod na ‘ko sa’yo. Akala mo hindi ko napapansin ‘yung mga ginagawa mo.)



Ngunit masasaktan lang

kung puso ang pagbibigyan

Kahit pamamaalam ang siyang bulong ng isipan

(Ganyan talaga ang buhay kailangan magpaalam lalo n kung hindi na tama. Hindi na tama ‘yung ganito na sinsaktan ako. Hindi ako deserving na saktan mo dahil kahit kalian ‘di kita sinaktan. Hindi ko hihingi na ibigay mo sa’kin ang buong mundo mo ang gusto ko lang naman ma-appreciate mo ko. Pero sa tingin ko mas makabubuti kung magakalimutan na lang tayo.)



Darating sa buhay mo

pag-ibig na laan sa’yo

at mamahalin ka niya ng higit sa maibibigay ko

(Madami namang iba d’yan at alam ko na mas magging Masaya ka sa kanila. Kasi kung Masaya ka sa’kin hindi mo na hahayaan pa na mawala ako ‘di ba?.. kaso hindi gano’n eh! Mas gusto mo na mawala ako sa buhay mo. Malay mo ‘yung dumating para sa’yo mahalin ka din.)



Habang tina-type ko ‘to parang gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong hindi lang ako ang nakaranas ng ganito dahil marami na rin akong narinig. Kaya sa mga kagaya ko (kasama na ‘yung mga judges nung Buwan ng Wika namin), tuloy pa rin ang buhay natin hindi natin kailangan ang taong hindi tayo kayang pahalagahan. ‘Wag magmadali dahil dadating din ‘yan ng hindi natin namamalayan.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com