These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Hangang kailan? by: jazelle ortiz

     


Ako ay lumaki ng hindi buo ang pamilya, bata palamang kami ng aking kapatid iniwan na kami n gaming ina. Pero hindi ito nagging hadlang para ako ay lumigaya sapagkat kahit hindi kami kumpleto maraming tao sa paligid ko ang nagmamahal sa akin ng totoo. Mga taong nagbigay kulay sa buhay ko.

Mula nag simula ako ay mag aral doon ko nakilala ang mga taong magdadagdag ng kasiyaham sa buhay ko. Isa sa pinaka magandang yugto ng buhay ko ay ang pagiging hayskul ko. Ibabahagi ko sa inyo kung paano nag simula ang pagmamahal ko sa isang tao ng hanggang ngayon ay hindi parin nawawala.

Noong 1st year ako nahirapan ako makisama sa mga kaklase ko sapagkat lahat sila ay bago sa paningin ko. Habang tumatagal nakausap at nakilala ko din sila. Isa na ditto si Erwin siya ay dahilan kung paano ko nakilala ang taong nagpatibok ng puso ko. Unang kita ko palang sa kanya minahal ko na siya. Totoo pala ang ibig sabihin ng “love at first sight”. Pareho kaming ‘freshman” ni Bernard madalang ko lang siya Makita kaya hindi ko maipaliwanag kung paano ko siya minahal. Varsity player ako noon kaya tuwing may praktis kami nakikita ko siya dahil yun din ang oras na bakante nila. Kinikilig ako tuwing makikita ko siya kaya ginaganahan akong maglaro kapag nanunuod siya. Akala ko noon kumahanga lang ako sa kanya . hindi naman siya kagwapuhan kaya hindi ko din alam kung paano ko siya minahal. Buwan ng July nagdaos ng “acquaintance party” an gaming paaralan. Lahat kaing magkakaibigan ay dumalo nagulat ako ng Makita ko rin siya doon. Unang beses ko umatend ng party kaya wala akong ginawa magdamag . noong sweet music na ang pinatugtog nakita ng kasayaw ni Bernard yung crush niya. Napakasakit ng naramdaman ko noon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang naramdaman ko pero sa tingin ko mahal ko na nga siya.

Noong 3rd year ako napaka saya ko dahil nalipat siya sa section naming. Alam ng mga barkada ko ang nararamdaman ko para kay Bernard kaya naghiyawan sila nung pumasok na si Bernard sa room naming. Magkahalong emosyon ang naramdaman ko nun, kilig at hiya. Habang tumatagal nawawala ang hiya ko sa kanya dahil kapag may group project kami kadalasan ang magkasama kami sa isang grupo at minsan kami pa ang magkapareha.

Nagpraktis kami noon sa bahay ng aking barkada late na dumating si Bernard dahil sa totoo lang lagi siyang late sa lahat ng bagy. Dala niya ang motor niya nung pumunta siya doon. Nung dumating siya 3 pa kulang sa grupo naming kaya sabi ng mga kagroup namin puntahan nadaw naming sa bahay yung 3 na iyon. Dahil ako ang lider ako ang pinasundo nila at dajil may motor si Bernard sa kanya ako sumama. Ilang na ilang ako sa kanya nun kaya sa damit lang niya ako humawak nagulat ako nang kausapin niya ko sabi niya sa akin bakit daw ayaw kong kumapit sa kanya nahiya ako sa kanya kaya kumapit nalang ako. Pero syempre deep inside kinikilig ako. 1:30 kumpleto na rin kami at nagsimula na kaming magsanay.

Habang tumatagal nakasama siya sa barkada naming kaya nawala lahat ng ilang ko sa kanya pero nanatili parin ang pagmamahal ko sa kanya.

May nagpunta sa room namin nun para magtanong kung sino sasama sa JS prom wala talaga akong balak umatend nun pero napilit din ako ng mga barkada ko.

Dumating na rin ang gabi ng j.s naming. Sabi nung isang barkada ko hindi daw makakaattend si Bernard kaya nalungkot akong bigla. Nawalan ako ng gana nung gabing iyon. Nugn tumugtog na yung sweet music dedma lang ako dahil wala yung taong kukumpleto ng araw ko. Nagulat nalang ako ng biglang maghiyawan ang mga barkada ko. Nabigla nalang ako nung Makita ko sai Bernard sa likod ko as usual late nanaman siya. Napakasaya ko nung niyaya niya akong sumayaw. Habang sumasayaw kami tahimik lang ako dahil hiyang-hiya ako sa kanya. Nung natapos na kami sumayaw niyaya naman niyang sumayaw yung crush niya. Ang sweet nilang dalawa naiiyak na ko nung mga oras nay un nang yayain akong sumayaw ni renz. Si renz ang nakakaalam ng lahat lahat ng nararamdaman k okay Bernard kaya habang sumasayaw kami sinasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko nung araw na iyon. Kahit papano gumaan naman pakiramdam ko.

Kinabukasan, nakatext ko si Bernard. Nagulat ako ng itanong niya kung bakit ako umiyak nug JS kaya nilakasan ko na loob ko na sabihin sa kanya na mahal ko siya. Nung nagreply siya naiyak nalang ako bigla ko, sabi niya huwag ko daw siya mahalin dahil masasaktan lang daw ako dahil hindi pa daw siya nagsisiryoso sa isang relasyon. Maraming beses na niya sinabi ito sa akin pero patuloy ko padin siya minamahal. Kahit pilit ko siyang kalimutan hindi ko talaga magawa.

Alam rin ng teacher ko ang nararamdaman ko para kay Bernard dahil sa pinapagawa niyang diary samin. Sabi niya sa akin ok lang dawn a mahalin ko si Bernard pero huwag daw ako aasa na papalitan niya ang nararamdaman ko dahil masasaktan lang ako sa kaka-asa.

Nung magbakasyon akala ko makakalimutan ko na siya peor hindi pala dahil sa pasukan magkaklase pa kami at ang masakit pa dun kaklase din naming ang ex-gf nya. Tuwinf papasok ako pakiramdam ko ang liit-liit ng mundo ko. Hindi ko alam kung paano ko gagalaw sa room dahil alam ng lahat ang nararamdaman ko para kay Bernard kaya tuwing pinag lilink ung dalawa lahat sila tumitingin sakin. Ito ang nagging dahilan kung bakit tinamad akong pumasok. Napakadaming nawala sa akin ng dahil doon. Naalis din ako sa pagka-president ng room dahil hindi kona nagagawa young tungkolin ko. Nalaman ni Bernard kung ano problema ko laya tinext niya ko. Sinabi niya pumasok na daw ako, huwag naraw ako mahirapan dahil hindi na daw niya mahal si joyce ann. Syempre kahit papano sumaya na din ako.

Laking tuwa ko nalang nung malapit na ang graduation kasi akala ko makakalimutan ko na siya pero hindi pala dahil kahit bakasyon na ay nakakasama kaming magbabarkada. Isang beses nagkayayaan kaming mag-inuman. Katulad ng dati kumpleto pa din ang barkada habang nag- iinuman na kami napagkwentuhan naming lahat ng mga araw na pinagsama-samahan naming nung 4th year pa kami.

Bigla ko nalng naalala nung valentines day, akala ko malulungkot ako hindi aman pala. Kasi habang nag mumukmuk ako nilapitan ako ni Bernard. Bibigyan niya ako ng plastic na bulaklak nung tinanong ko siya kung para saan yun sabi niya para sa akin daw iyon at kaya daw plastic iyon para daw maitago ko para habang nasa akin iyon lagi ko siya maalala. Kakatuwa diba? Ito na din ang huling pagkikita namain ni Bernard.

Oh, ayan college na ko new life na siguro naman new lovelife na…

Nung unang araw ko nung pasukan nakyutan na agad ako sa isang classmate ko. Akala ko pamalit na siya kay Bernard hindi pala. Alam ninyo ba kung bakit? Ito basahin ninyo.. bawal and hindi kiligin hahahaha…

Nung una crush lang talaga syempre andun parin yung kilig lalo. Na kapag nakakatabi ko siya. Magkasunod kasi aplido naming. Nagging close din kami kasi nagging barkada ko siya. Sweet naman siya kasama kaya hindi naman mahirap mahalin pero nawala din ang pagkagusto sa kanya dahil sa isang pangyayaring hindi ko nagustuhan. Naganap yun nung nag swimming kami. Iyak ako ng iyak nun dahil kahit papano nahulog din yata ko sa kanya. Pero infairness dahil dun nakilala ko si Bhezt. Yup naming bestfriend ko siya. Bestfriend na minahal ko.

Tuwing nalulungkot ako lagi siyang andyan para pasayahin ako. Masarap siya kasama at sweet din sobra. Sa totoo lang kampateng kampante ako sa kanya. Kapag may publema ko siya lang unang pinagsasabihan ko.

Marami na akong moments na kasama siya eh kaya lang masyado ng mahaba ito. Kaya intayin ninyo nalang ang susunod na kwento ko. Abangan ninyo kung ano mangyayari sa pagmamahal ko sakanya at abangan ninyo din kugn magkikita pa kami ni Bernard. Ikukwento ko sa inyong lahat ang mga susunod na mangyayari kaya “ ABANGAN NIYO ULIT ANG LOVE STORY NG LYF KO!!.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com