These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Natuturuan ang Puso.

     


13 years old ako nung nag bf ako. Pero di yun alam ng parents ko. Kasi malayo sila sa akin. 2nd year ako nun. Pangalawang nanligaw yung lalaking yun sa akin. Sinagot ko sya. December 4 nun. Di ko alam kung paano ko paninindigan yung ginawa ko.Pero kinaya ko. January 4 syempre 1st monthsary namin. Expected ko na magsasabay kami pauwi, pero mali ako. Di nya ako kinibo.Ang masakit pa dun, nung pauwi na ako nakita ko sya na kausap ang maraming babae. Sobrang nasaktan ako.Lumipas yung mga araw. Malapit na naman yung 2nd monthsary. Akala ko babawi sya that tym pero hindi. Ganun ulit yung nangyari hanggang 3rd monthsary. March 15, nakipagbreak sya sa akin. Dahil sa reason na hindi nya daw nagagampanan yung dapat nyang gampanan. Sobrang nasaktan ako nun. Kasi alam ko sa sarili ko na mahal ko din sya. Pero alam ko na mahal nya ako.



Akala ko magkaklase kami sa 3rd year pero hindi pala. Kaya pinilit kong mag move on. Nung bakasyon oo naka move on ako, pero nung pasukan. Nung nakita ko sya, di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Nakikipagbalikan sya sa akin. MAhal nya pa daw ako. Pero di ko sya sinagot kasi gusto ko mag focus sa pag aaral ko. Pero mahal ko sya.Hanggang sa dumating yung araw na umiiwas na sya sa akin. Nung araw na rin yun, dun ko na realize na kaya ko pala syang kalimutan. Kaya mong turuan puso mo basta gugustuhin mo.Kaya ngayon may kanya kanya na kaming prioritized. At masaya ako dun.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com