These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      March-october 2009

     


“In a relationship, there’s no letting go because you can’t erase the happiness and bitterness it is accepting the fact and move on”



Sobrang masarap magmahal kahit na alm kong masasaktan ako. Sobrang saya lalo na nung dumating siya sa buhay ko ang taong pinakaminahal ko at sineryoso ko. Hindi ko pwedeng sabihin na sana hindi na lang siya dumating sa buhay ko. I had 7 months with him na hanggang ngayon pinaghihinayangan ko and until now I’m hoping for another chance. One more chance in a perfect time but in a same place. In a same dahil dun ko siya unang nakilala in a wrong time nga lang dahil we’re so immature yet lalo na siya. I thank God because I had him in my highschool life. Sabi nga ni Papa Dan at least you had a months, days, minutes, and seconds para maging Masaya ka kasama siya na dapat hindi mo pagsisihan dahil kahit pinaiyak ka niya isa naman siya sa mga nagging kung bakit ka nagmahal at bakit nagkakulay ang buhay mo.



Sa kanya ko natutunang magsabi ng I Love You. I very hate that words never in my entire life said for a person kahit sa mga magulang ko, pinaparamdam ko lang sa kanila. I always want to say sana hindi ka magsawa sa akin but I’m afraid to say it in a serious way kaya dinadaan ko sa joke.



Pinagmamalaki ko siya ng sobra. Ang “pot: ng buhay ko si Emil Carl P. Alemanza. Sana kahit ginawa ko na buong effort ko para hindi matpos ang istorya natin sana may naapreciate ka kahit konti.



LET’S START THE WHOLE STORY



The Beginning. . .



Una ko siyang nakilala ng lubusan noong third year. We’re on different sections. Actually ex siya ng bestfriend ko. Malapit na ang J.S. Prom noon. Nang napasali ako sa cotillion. Accidentally nagging magpartner kami. May girlfriend siya ng puntong iyon, may crush naman ako. Tapos sobrang kulit naming, para maperfect ang bawat steps, wa had a deal bawal mali nang nagkamali ay may kapalit na batok, kapag siya ang may mali, sampal ang kapalit.



One day, may sinabi na lang siya sa akin and asking weird questions. At ang sagot ko lang “duh! May girlfriend ka”. Hindi ko alam trip lang pala yun girl nay un. After that, hindi na siya namamansin kaya nailing ako sa kanya. Pero nung general practice na bigla na lang siya nagsori. Tinanong ko yung dahilan niya kung bakit ang sungit na niya sa akin, ang sagot na lang niya kasi daw mahal na niya ako at inipigilan na lang niya. Doon ko siya totally napansin.



Nang malapit na ang J.S., i-add ko sya sa YM. Sinabi niya sa akin na wala na sila and he will miss me kasi malapit na matapos ang practice. Every 6 pm., I log in for a reason but I did’nt expect na online pala siya lagi ng ganung oras.

J.S. na, wala lang, back to our real lives, no pansinan at all, and nung magpeperform lang kami nag-usap. So sad kasi nakalimutan niya ako isayaw. After that, kinuha niya yung number ko, nagging textmate ko siya for days. Dumating din sa point na iiwasan ko ba ang taong itoh? Baka magalit ang bestfriend ko pero nadedevelop na ko sa kanya. And he’s asking na if’s there’s a chance. Hay, nalaman na niya may telepono kami kaya dun na kami nag-uusap. March 9, pumunta ang Toshiba, first section lang ang may pasok, wala siya pero pag-uwi ko, siya lagi kong kausap sa telepono. March 11, inamin ko na mahal ko rin siya at naiinis na ako kasi kahit nanliligaw siya at gusto niya may ipagawa ako sa kanya, hindi niya naman nagagawa. Pinilit niya ako na sagutin ko siya, eh di sige, kami na. Pero sira ulo talaga, 13 na lang daw ang date namin kasi Friday the 13th, para kami lang daw ang swerte. March 13, official na kami na tanggap naman ng nakakarami. Saya niya, ako din siyempre.



The Happiness. . .



“He makes me laugh and comfortable each day we’re together”.



Bago matapos ang school year, siya na ang madalas kong kasama at lagi kong kausap walang sawa. Bhoby is one of the big part of my story, kamnig tatlo, lagging magkakasama. He witness my smiles in our room everyday. Kaya super supportive siya sa akin. Pero siyempre, ano daw tawag ko sa kanya, ahm. . . “Carlipot”. Kasi naman sobra niyang kuripot kaya ganun, kaya ang tawagan naming ay pot. He is my Carlipot and I’m his Polengpot.



I remember maaga kami pumasok, hindi ko akalaing gagawa siya ng notebook para sa aming dalawa. He printed his and my pictures.



“I never expect that kind of love story will exist”.



Each day I leave a comment on that notebook as well as he. Masaya kami araw-araw. March 27, night before our swimming, kasama siya nung pumunta kami sa phase 7 at angkas niya ko sa bike. Natakot ako sa nakita ko kaya nangyari ang first hug naming. Natutuwa ako sa kanya. Gabi na kami nakauwi. Ang super saya ng gabi ko. March 28, ang swimming, kasama ko nanaman siya. He pretended to be my Superman, sa pool lang naman niya ako kayang buhatin eh. Ang daming stolen kiss sa cheeks, nakilala na rin niya si Mama. Pero mas masaya day siya kahapon hindi pa yan diyan nagtatapos. March 29, nagpabookbind kami nila Bhoby at Carl. Ang saya-saya, yung tricycle driver, kinantahan kami ng theme song ng McDo, natawa na lang kami. Dumiretso kami sa Pavillion tapos si Bhoby anak daw namin. Tawa ako ng tawa kasi parang ewan lang si Bhoby. Kumain kami ng fried noodles at paunahan kami. I considered it as our first date. Hehe.



Dumating na ang bakasyon. April 13, first monthsary namin pero 14 namin sinelebrate. Sinamahan ko siya ma-enroll sa Carmona kasi bagsak siya sa Math pero hindi ko siya kinahihiya, proud pa rin ako sa kanya. Dumating din siya sa birthday ko. Wala man siyang gift, ayos lang, naging masaya naman ako kasi nandyan siya.

Everytime na pumunta siya sa bahay, we always watch DVD. Na Curious na sila Papa kung ano ko bad aw siya. Eh di inamin ko na ung totoo. Hindi sila nagalit kaya we’re legally on from then on. Luwag sa pakiramdam



Nag fourth year na kami. Lagi kaming sabay sa lunch sa bench. Alam din ng teachers na kami kaya no worries at all. Im inspired in studying because of him. Nagkamali na ko kasi minahal ko na siya ng sobra. Hindi ko na siya kayang pakawalan.



The Bitterness and Goodbyes. . .



Jealous came, ang pinaka-ayokong maramdaman. Nanibago na rin ako sa kanya. Lagi na siyang nagmamadali. Pag lunch, gusto na niya agad umakyat sa room. Pag uwian, kasama niya lagi ang barkada niya. We always end up on fighting each day. Tapos lagi na rin akong umiiyak.



Ang sakit sobra, naramdaman ko nang malapit na matapos ang lahat. Hindi na siya gaanong masaya. Ako naman, lagi kong pinipilit pasiyahin siya. First heartache. I hate it so much at parang ayoko na magbukas. Pero pag sinabi niya break na kami, hindi din niya matiis. Tatawag din siya at magsosori. Ang hirap, it feels like na I’m under him but I control him. Takot akong mawala siya kaya I set on maraming bawal kaya nasakal siya.



October 13, 2009, last monthsary namin. Sinurprise niya ako. I’m happy. Pero akala ko pupunta uli siya sa bahay. Lagi na lang niyang reason, busy siya. Kinabukasan pa naman noon ay nasa Nagcarlan na kami for three days para sa Journalism. I tested him what if I don’t text him, will he be faithful and misses me? Tama ang hinala ko, wala na ako sa kanya, kahit mahal pa niya ako at sobrang mahal ko siya.



October 16, 2009, Sports teen, pauwi na rin kami, natatakot akong pumunta sa school. I thought sasalubungin niya ako at matutuwa siya. I bought him a crucified necklace. Ibibigay ko yun sa kanya kapag wala siyang ginawang mali. Pero nung nagkita na kami, nasaktan ako nung sinabi niyang “uuwi na ako”. I decided to stay for minutes pero nung nasa tricycle na ako, nandun pa pala siya sa labas. Night came, masaya ang usapan namin pero hindi ko aakalaing hahantong na pala sa break-up. Kinabukasan, tinotoo na niya. Wala akong magawa, pumunta ako sa bahay ng classmate ko at dun ako umiyak ng sobra. Ilang araw din ako iyak ng iyak sa tindahan nila Ate Janeth.



Wala na talagang chance kasi nasaktan na ako, lalo kung naging kami uli for one day to see if there still a chance at nalaman ko at the end of the week, may bago na siya. Naisip ko na hindi niya pinahalagahan yung seven months na yun because we move on that easy.



Ayoko na siyang makita at pansinin. Mahal ko pa din siya. Nakakapraning, almost a month, iyak ako ng iyak kada gabi.



Minsan, tumatawag siya para kamustahin ako. Binati niya rin ako nung pasko. Hindi ko alam kong paano mawawala yung sakit lalo na yung pinalit siya sa akin kagagaling lang din ako sa break-up. Ex-girlfriend siya ng bestfriend ko. One week ater our break-up, nagbreak na rin sila nung bestfriend ko.



“You can move on if you let yourself fall to another person” – Jaycel



Hindi ko hinayaang mahulog sa iba para makapagmove-on. Binalik ko lang kung ano yung dati kong ginagawa nung wala pa siya. Nakamove-on ako dahil sa kaibigan ko. Pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. I miss him so much. Binalik ko sa kanya lahat ng binigay niya sa akin para kahit papaano mawala ang galit ko sa kanya. I never say goodbye but he does.



Ngayon, umiikot pa rin ang mundo ko sa kanya pero hindi na katulad ng dati. Hindi na ko napapaiyak ng isang kanta o mga bagay na nakikita kong nagpapaalala sa kanya. Hindi pa tapos ang istorya ko kasama siya kahit hiwalay na kami.



Dito ko na-experience ang true love.



Ending. . .



Maraming natatawa sa akin kasi lalaki nga lang naman pero iniiyakan ko. Bakit ba daw ako nagpapakatanga sa kanya? Wala naman silang alam eh. Basta pinaglaban ko siya. Ganun pala ang true love, mararamdaman mong masasaktan ka pala kung tunay mong mahal yung isang tao. Loving too much will lead you to loneliness.

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com