These are the text only pages from A Story To Share.Com, true stories of heartache and love. If you have been referred here by a search engine then click at the very bottom of the page to read hundreds of true stories of heartache and love.



      Love & hurt

     


ako po ay isang college student,16 years old. nag ka roon na po ako ng mga syota pero lahat po sila ay isang araw lang. nakakahiya mang isipin pero na paka isip bata ko po. ngayon po ay meron akong crush,patay na patay ako sa kanya dati. hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ko sya nakikita. iisa lang ang paaralan pinapasukan ko, CHS student sya at IT student naman ako. nahihiya ako sa kanya kapag magkasalubong kami kasi alam niya na crush ko siya. lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko at napapansin ko parang may gusto din sya sa akin. tumitingin kasi sya sa akin at pinapansin niya ako. kaya lang hindi ko siya pinapansin dahil nahihiya ako sa kanya. hanggang sa sinabihan niya ako na esnabera,medyo nasaktan ako sa sinabi niya at na realize ko na tama siya at magmula noon pinansin ko na siya. naging magkaibigan kami medyo at lumalala ang nararamdaman ko sa kanya. pinipilit kong controlin ang sarili ko dahil may iba na siya. dumating araw na nag-away sila ng syota niya dahil sa akin, dahil sinabi ko sa gf niya na crush ko syota pero sinabi ko naman na hindi ako umaasa at hanggan g crush lang. i felt guilty dahil ako ang dahilan. na shock nalang po ako dahil ng pag baba ko sa silong paaralan namin ay ay nan doon ang crush ko kinausap niya ako, nag sorry siya sa akin at sinabi niya na sana magkaibigan pa rin kami. ngayon po ay umiiwas ako sa kanya dahil nararamdaman ko na parang may gusto siya sa akin. ayaw ko po na mahulog ng tuluyan ang loob niya sa akin. ayaw ko  na mag-away na naman sila ng gf niya, ayaw kong maging magmukhang mang-aagaw. ngayon ay madalang nalang kami kung magkita, madalang akong lumalapit sa kanya dahil nakikita ko sa kanya nahuhulog na ang loob niya sa akin. kahit mahirap sa akin ay iniiwasan ko talaga siya dahil makasakit ng ibang damdamin. 

back

        | report story |
| comment on story |






| Love Stories | Heartache Stories | Love Quotes | Story Archive | Send Story | Message Board | Webmasters | Contact/About | Text Only | SiteMap

| Add to Yahoo | Add to Google | Add to MSN | rss feed | add to google toolbar Add Newstories to Google Toolbar |



© astorytoshare.com